Saturday, February 6, 2016

Live Each Day as if It's Your Last

Naalala ko humingi ako kay Mr.F (MITD) ng letter kung ano ang sasabihin nya halimbawang bumalik na ako kay Lord (eulogy) 2 years ago ng hindi ko alam kung bakit. Bigla na lang lumabas sa akin. Dahil ang katwiran ko para alam ko kung ano message nya kse hindi ko alam kung maririnig ko pa yun kung sakaling mangyari nga. Tinawanan lang nya ako saka niyakap. Pagka lipas ng ilang araw o buwan, na-diagnose na ako ng meningioma o tumor sa utak. Kamuntik na ako doon!  mabuti na lang kase wala pa rin syang nagawang letter Ü  And the rest is history...



Dalawang araw (Feb 2-3) na akong alas-singko ng umaga natutulog dahil nahihirapan ako huminga. Lagi akong kinakapos ng paghinga. Pati si Mr. F hindi rin makatulog ng maayos dahil nagigising sya sa tuwing babangon ako, tinatapik nya ang likod ko, minamasahe nya ang kamay, legs at paa ko para makatulong pero wala pa rin. Hanggang nung gabi ng February 4, 2016 nakaramdam na naman ako ng kakaiba. Nag s-sorry na ako kay Mr. F at sa mga anak ko. Umiiyak na kami. Sinasabi ko kung gaano ko sila kamahal. Niyayakap ko na sila at pinaghahalikan kase parang nararamdaman ko na naman na konting-konti na lang hindi ko na kakayanin. Kase nga nahihirapan ako huminga. Pati ang mommy ko na nasa probinsiya nag text na ako pero ang nilagay ko lang "I love you, mommy!!! :) " hindi ako nagsabi ng nararamdaman ko dahil ayaw na ayaw ko siyang nag aalala at nag iisip. Matuluyan man ako kahit papano maganda ang huling message ko sa kanya. Nag message na rin ako sa mga kasama sa bahay ng panganay kong si RC na sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Tinawagan na ni Mr.F ang mga magulang nya na nasa Antipolo para dalhin ako sa ospital ( huli ko na nalaman na namumutla na daw pala ako hindi lang nya sinasabi sa akin kase lalo akong magpa- panic) wala akong ginawa habang naghihintay sa pagdating nila kundi magdasal ng magdasal, yakapin ang mga bata dahil wala naman nakakaalam ng mga susunod na mangyayari... 



Bigla ang bunso ko si Y, nagdasal sa harap ko : " Papa Jesus, sana po gagaling na ang head and heart ni mama. Para po kapag magaling na siya pupunta na kmi sa Hong Kong Disneyland (dream nya ang makapunta sa Disneyland, epekto ng kakapanood sa Disney Channel) tsaka magd drive si Dada ng yellow na car na gusto ni Mama." Pagka dilat ko ng mata ko, habang nagdadasal pala sya umiiyak sya. Hinahawakan nya ang ulo ko at dibdib habang nagdadasal. Lalo akong umiyak paanong ang bata na ito napaka galing mag dasal. Alam ko na pakikinggan sya ni Lord kase galing sa puso ang pagdadasal nya. Habang ang Kuya LR, nakatingin lang sa amin tahimik pero alam ko, alam nya ang nangyayari. Nagdadasal din sya pero ang dinadasal nya yung 3 o'clock habit. Ü Bago kami umalis ng bahay ni Mr. F para pumuntang ospital, sabi ni Y : laban tayo, mama ha? fight lang! Wala akong choice kung hindi lumaban kahit ano pa ang sakit at hirap na nararamdaman ko ng mga oras na yun, niyakap ko na naman sya at sinabing lalaban ako, anak. Mahal na mahal kita. Kayo ng mga kuya mo. ( parang pang teleserye ano? Pamilya kme ng mga artista eh. Hehe) 



Walang umiimik sa amin habang nasa sasakyan, hawak lang ni Mr. F ang kamay ko ng mahigpit kse nahihirapan pa rin ako huminga at nangangapal na ang parte ng labi ko at mga kamay. Pati ang daddy ni Mr. F, tahimik lang na nagd drive... Nang dumating kami sa ospital bigla akong lalong natakot gusto ko na umuwi bahala na lang kase ang daming tao sa loob. Nakakaawa na mga hitsura nila, meron akong nakitang babae na hirap na hirap ng huminga kahit may oxygen ng nakakabit sa kanya, kaya parang lalo akong nahirapan huminga, puro suka na ang hinihigaan nya, iritable na,(pasintabi kung kumakain ka) , nakapaligid na mga kaanak nya, meron naman matandang lalake hirap din huminga, namamaga ang paa, binti at tiyan, may sanggol sa bandang dulo na tinutulungan ng nanay nya huminga sa pamamagitan ng  "manual resuscitator". meron din matandang babae na unconcious na tinanggihan daw sa pribadong ospital dahil sa Social Services lang sila kaya ni refer sila sa ospital kung nasaan ako. Kawawang matanda... :( Kahit hirap na rin akong huminga, pinikit ko na lang ang mga mata ko at wala akong ginawa kung hindi magdasal pa rin. Magdasal hindi para sa akin kung hindi para sa lahat ng mga tao sa Emergency Room. Ang sakit sa dibdib na makita ang mga nangyayari sa kanila at sitwasyon sa ospital halos wala ng madaanan dahil punum-puno ang malaking ER. Minsan maiisip mo ano ng nangyari sa pondo para sa mga public hospitals? Hirap na ang mga pasyente sa kalagayn nila pero parang dedma lang ang mga staff. Cguro pagod na din sila kasi madaling araw na?... Mahirap maging mahirap talaga. Tsk.tsk... Kaya minsan gusto ko ng pumasok sa politika eh. Iboto mo ako ha?! Hehe. Hinde, maraming kawawang maliliit na tao :( 


Tinawag na kami ng Doctor, si Mr. F ang nagsasabi kung anong nangyayari kse lalo ako kakapusin ng hininga at hihingalin kung ako pa magsasalita. Gumawa sya ng request na ipa xray ako. Kaya pinagawa namin kaagad. Maya maya bumalik ang doctor. Normal naman daw. Salamat sa Diyos! May namamaga lang na rib(s) kaya ako nahihirapan at nasasaktan sa ilalim ng kaliwang bahagi ng dibdib sa twing hihinga ako. Ang panganagapal ng labi at pamamanhid ng kamay ay dahil sa nerbyos e kase nga nagpa- panic na ako. Mahirap kumalma kaya! Hindi maganda sa pakiramdam... Niresetahan lang ako ng gamot (pain killer). Medio kumakalma na ako noong pauwi kme pero mas excited ako na maabutan na gising ang bunso kong anak. Kase para sabihin sa kanya na pinakinggan siya ni Lord. Masasabi ko na masaya ako dahil nakuha ng mga anak ko ang pagiging madasalin ko. Sana makalakihan nilang ganun. 



Pagkakita ko sa bunso ko, sinabi ko sa kanya na dahil love siya at kami ni Papa Jesus, pinauwi si Mama at hindi na-admit sa ospital. Sabay kami nag dasal ulit at nagpasalamat sa Diyos. Nung kinwento ko sa kanya yung sitwasyon sa ospital, pagka banggit ko na may baby sabi nya " wait mama...Papa Jesus, pagalingin nyo po yung mga may sakit lalo na po yung baby sa ospital kasi po kawawa naman siya..." May naituro naman pala akong mabuti sa mga anak ko. Sobrang masaya at proud na ako doon. Kung sakaling may nangyari man na hindi maganda noon, magaan pa rin sa loob kase nasabi ko sa kanila ang mga gusto kong sabihin.



Ito ang isa pa na gusto ko ipost dati pa sa facebook. Alam ko nag post ako pero naka "Only Me". Haha. Ang sa akin lang, bakit kaya kailangan mawala muna ang isang tao bago natin sabihin ang magagandang pwedeng sabihin natin. Kapag wala na, tsaka sasabihin? Para kanino ba ang sinasabi natin para sa mga taong nakikinig o sa taong wala na? Hindi naman natin alam kung naririnig nga ba nila o nakikita pa tayo. Sana habang kasama natin ang mga mahal natin sa buhay, sa araw- araw, huwag natin kalilimutan sabihin ang mga gusto nating sabihin. Kung gaano natin sila kamahal, gaano sila ka importante, ano ang nagawa at nagagawa nila sa ating mabuti. I-treasure at i-maximize ang bawat minuto na kasama natin sila dahil hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari. 

Laging magpasalamat sa Diyos sa tuwing umaga na gigising na kasama pa rin ang mga mahal sa buhay. Kaya, ngayon pa lang yakapin at halikan ang mga mahal mo sa buhay. Sabihin mo gaano mo sila kamahal. Now na daliii... Ü Ü Ü

Kahit na ano pa ang nangyayari laging tumawag sa Panginoon at magtiwala dahil hinding hindi nya tayo pababayaan. Maraming beses ko nang napatunayan. Turuan natin ang mga anak na maging malakas sa pamamagitan ng pagtitiwala din sa Diyos na kahit anong pagsubok kakayanin basta kumapit lang sa Diyos at hindi sa ibang tao o bagay. 

Bukod sa pagdadasal, mga anak ko at si Mr. F, may isa pang tao na nagpapalakas ng loob ko. Simula mapanood ko sya sa shinare ng kaibigan ko sa facebook, sabi ko is-share ko sya sa iba para hindi mawalan ng pag-asa na lumaban sa buhay. At mahalin ang sarili higit kanino man.

Siya si Anita Moorjani , may Stage 4 Cancer pero nabuhay after 30 hrs na pagka comatose...



" Don't be afraid to be who you are and find your joy. One of the problems with us is, with life, we have lost our JOY. We have forgotten who we are. We have no passion for our lives anymore. We are afraid to express ourselves. Get in touch with your heart and express who you are. LIVE LIFE WITH JOY!" - Anita Moorjani

" Love yourself! Love life. " -Anita Moorjani

" Death and healing is universal. DON'T FEAR DEATH!" - Karen Davila, Anita Moorjani

" LIFE is a GIFT. Don't be afraid to be yourself. Find your joy and live life with passion everyday" - Anita Moorjani , ANC, Headstart with Karen Davila

*** video from ANC videos on You Tube

Eto po ang nangyari sa akin noong February 4 kaya ako humingi ng dasal sa inyong lahat. Salamat po sa mga dasal. Sorry sa mga nag alala at naabala.  Mahal ko kayo.

9 comments:

  1. P.u.s.h. Pray Until Something Happens..sabi nga ni Padre Pio, pray , hope and don't worry. Trust in him with all your heart, mind and soul. Im glad I met you...I know, u will live longer pa. You have a mission..lovelots, nhatz

    ReplyDelete
  2. Naiyak ako!! So timely ng article na ito at nabasa ko. Kagabi I can't sleep at nakakaisip ako ng bad things na pano pag nagkaproblem sa pagbubuntis ko o sa delivery at mawala ako, pano na mga anak ko, asawa ko. Parang tanga lang ako kakaisip. God is good all the time and I have to remind myself that specially sa mga araw na krung krung ako. Hehehe.

    So proud of you and your family's strength! Mwah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Awww... hugs sis.. naku nakaka krung krung naman.talaga lalo pag preggo.pero dasal lang talaga. Kalma lang. Ako di nakalma nyan eh mas nanaig ang takot ng mga ilang minutes kaya lalo sumama sitwasyon :-) salamat sa pakikipag tsismisan ;)

      Delete
  3. Naiyak ako ng sobra, Besh... Laban lang nang laban at keep moving forward habang nabubuhay tayo. I am so thankful that you are okay at proud na proud ako sa'yo. You are such a strong and loving person.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you sis SJ!:-) :-) :-) hugs... ako din naiiyak pa rin kapag naaalala ko mga nangyari. Ang galing lang. Ang galing ni Lord!

      Delete
  4. Hay...sis Reylen- I fell in love from the very first day that we met sa Regroe. Kaya ngayon palang nais kong malaman mo na MAHAL KITA at lagi ka sa mga dalangin ko. Peor question and answer portion muna tayo- (1) sa iyo bang body yung may tattoo? (2)if yes, san ka nag pa- tattoo? (3) if no- tara mag pa tattoo tayo and lastly (4) bakit namaga ang ribs mo?? ayan...basta keep the faith and be an inspiration to all of us. LOVE YOU dear!

    ReplyDelete
  5. Love you too,Ms. Macy and I miss you :-) Here are the answers to your questions : 1-3) how I wish that's mine. I would love to, but Im afraid. Mukhang masakit :( 4. Hindi ko po alam eh. Yun lang sabi ng doctor, para kseng may.naiipit na ugat? Pero atleast, okay naman po ang xray result. Ayoko na lang din po magtagal dun kse dko kinakaya kalagayan ng mga pasyente :( kaya hindi na.ako nagtatanong...

    ReplyDelete
  6. Love you too,Ms. Macy and I miss you :-) Here are the answers to your questions : 1-3) how I wish that's mine. I would love to, but Im afraid. Mukhang masakit :( 4. Hindi ko po alam eh. Yun lang sabi ng doctor, para kseng may.naiipit na ugat? Pero atleast, okay naman po ang xray result. Ayoko na lang din po magtagal dun kse dko kinakaya kalagayan ng mga pasyente :( kaya hindi na.ako nagtatanong...

    ReplyDelete